^

Metro

6 na oras na curfew, mananatili sa GCQ

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
6 na oras na curfew, mananatili sa GCQ
Ipinatutupad ang curfew hours sa 16 na lungsod at isang mu­nisipalidad ng Metro Manila mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Mananatili pa rin ang implementasyon ng anim na oras na curfew hours sa Metro Manila sa kabila ng pagbabalik na ng ‘ge-neral community qua-rantine (GCQ)’.

Ipinatutupad ang curfew hours sa 16 na lungsod at isang mu­nisipalidad ng Metro Manila mula alas-10  ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Sa pananatili ng naturang oras ng curfew, sinabi ni Olivarez na ang naturang oras ang pinakatama upang hindi mapahirapan sa pag-uwi ang mga night shift na nagtatrabaho sa call center.

Ito rin umano ang napagkasunduan na nilang mga alkalde noon na ‘uniform curfew hours’ dahil sa magkakadugtong naman ang kanilang mga nasasakupan.

Sa pagbababa ng quarantine status, si­nabi ni Olivarez na habang may istriktong pagpapatupad at tamang pagsunod ng publiko ay magiging epektibo ito sa pag­laban sa COVID-19 upang hindi na ito lalo pang kumalat. 

 

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with