_ngayon
^
PNP todo-bantay sa mga fiesta
Ayon kay Eleazar, makikipag-ugnayan ang mga pulis sa Local Government Units at barangay dahil marami ang potential super spreader sa mga piyesta kung kaya mas mahigpit na pagbabantay ang kinakailangan.
STAR/File

PNP todo-bantay sa mga fiesta

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa bakasyon at panahon ng mga fiesta, todo-bantay ang gagawin ng Philippine National Police dito at sa iba pang uri ng mga pagdiriiwang.

Ito ang sinabi ni PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar kung saan nagbaba na siya ng kautusan sa lahat ng  police commander na 24/7 ang gawing pagmomonitor dahil responsibilidad ng mga ito ang kanilang na-sasakupan.

Ayon kay Eleazar, makikipag-ugnayan ang mga pulis sa Local Government Units  at barangay dahil marami ang potential super spreader sa mga piyesta kung kaya mas mahigpit na  pagbabantay ang kinakailangan.

“Alam naman natin na kapag piyesta, nariyan ang mga handaan, mga aktibidad sa simbahan at iba pang mass gatherings. Nakagawian na natin ito at bahagi ng tradisyon pero bawal pa rin po ito hangga’t narito ang banta ng COVID-19,” ani Eleazar.

Partikular na tinukoy ni Eleazar ang mga piyesta sa probinsiya na kadalasang dinarayo ng mga nanggaga-ling sa Metro Manila at  karatig-lalawigan.

Ipatutupad din ng pulis ang  curfew.

Dagdag pa ni  Elea­­zar, mahigpit ang kanyang kautusan na wa­lang sasaktan, parurusahan o hihiyain protocols violators. Bigyan ng face mask o face shield kung kinakailangan.

 

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with