_ngayon
^

Quarantine Control Points hindi aalisin sa GCQ

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ma­nanatili ang pagpapatupad ng qua-rantine control points (QCPs) sa National Capital Region (NCR) Plus borders sa pagpapairal ng general community quarantine (GCQ).

Ito ang inihayag kahapon ni PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar kasabay nang pagsa-sabing, dobleng pagmamanman at monito-ring ang dapat na gawin ng mga pulis laban sa posibleng ‘smuggling’ o pagta-transport ng mga pasahero palabas at papasok ng NCR Plus gamit ang cargo vehicles at vans. 

Aniya, hindi pa rin papayagan ang non-essential o unnecessary travel papasok at palabas ng NCR Plus.

Isinailalim na sa GCQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal mula  May 15 hanggang 31.

Umapela rin si Elea­zar sa mga establisimento na pinapayagan na mag-operate na  ipatupad  ang mga health protocols. Irere­komenda nila na agad na ipasara sakaling lalabag sa guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Manage­ment of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

 

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with