_ngayon
^

Dagdag na pondo, giit ng PNP

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan sa Kongreso si Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na pondohan ang dagdag na panga-ngailangan ng PNP  para sa mahigit 30,000 body camera.

Ayon kay Eleazar, kailangan ng PNP ng karagdagan pang 32,136 body cameras para sa lahat ng support units ng PNP, subalit wala silang pondo para dito.

Dagdag ito sa unang 2,696 body cameras na ipinamahagi na sa iba’t ibang himpilan ng pulis sa buong bansa.

Una nang sinabi ng PNP chief na ang mga istasyon sa mga lungsod muna ang binigyan ng tig-16 na body ca-mera.

Walo aniya ang para sa regular na nagpapatrolya, at walo ang nakareserba para sa mga special operations. Ang mga body camera ay  magbibigay proteksiyon sa  karapatan ng  pulis at sibilyan.

Sinabi ni Eleazar na sa pamamagitan ng mga body camera ay umaasa siya na mapapawi na ang pagdududa ng publiko sa mga ope-rasyon ng mga pulis kung saan namamatay sa pakikipaglaban sa mga pulis ang mga suspek.

 

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with