_ngayon
^
GCQ na sa NCR Plus, simula Mayo 15

GCQ na sa NCR Plus, simula Mayo 15

Angie dela Cruz, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

Kahit Nabawasan Na Ang COVID-19 Patients

MANILA, Philippines — Sasailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus simula sa darating na Mayo 15.

Ito ang inihayag kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos aprubahan ang rekomendasyon ng IATF.

Gayunman, ipapatupad dito ang heightened restrictions lalo na ang pagpapatupad at pagbabantay sa health protocols

Magugunitang naitala ang bahagyang  pagbaba ng bilang ng tinatamaan ng virus at ang pagluwag ng bed capacity sa mga pagamutan.

Samantala, kailangan pa ring maipatupad ang mahigpit na protocols.

Binalanse umano ng Pa­ngulo ang pangangailangan na mabuksan na rin ang ekonomiya sa gitna ng pandemya.

General Community Qua­rantine na rin ang sigaw ng maraming manggagawa na nawalan ng hanapbuhay o ang ilan ay nabawasan ang kita dahil sa ipinatupad na lockdown.

Iba naman ang pananaw dito ng private hospitals group na naggiit na panatlihin ang ang MECQ sa NCR Plus.

Ayon kay Dr. Jose Rene De Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated kung sila ang tatanungin nais pa nilang mapalawig ang MECQ sa NCR PLus  para mas buma­ba pa ang kaso ng COVID-19.

“Kung tatanungin kami kung puwede kahit isang linggo pa nating i-extend. But then nasa kanilang desisyon ’yun, baka magagawa nila na mga flexible na gaya ng ginagawa nila ngayon,” ani De Grano.

Sinabi pa nito na medyo nabawasan na ang bilang ng mga COVID-19 patient maliban sa ilang nasa intensive care unit.

 

Related video:

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with