_ngayon
^
Pfizer vaccines itinurok na rin sa medical frontliners sa Maynila
Aabot sa 1,170 vials o 7,020 doses ng Pfizer vaccines ang natanggap ng lungsod ng Maynila nitong Martes ng gabi. Nasa 210 doses ang inisyal na inilaan para sa mga medical frontliners mula sa anim na district hospitals na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan.
AFP/Joel Saget

Pfizer vaccines itinurok na rin sa medical frontliners sa Maynila

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-umpisa na ang pagbakuna ng mga medical frontliners sa Maynila gamit ang bagong alokasyon ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines.

Aabot sa 1,170 vials o 7,020 doses ng Pfizer vaccines ang natanggap ng lungsod ng Maynila nitong Martes ng gabi.  Nasa 210 doses ang inisyal na inilaan para sa mga medical frontliners mula sa anim na district hospitals na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan.

Inumpisahan ang pagbakuna sa mga medical frontliners sa Sta. Ana Hospital kahapon na inobserbahan ng mga opisyales ng ibang pagamutan para sa tamang paghawak ng naturang uri ng bakuna.

Kailangan umano na mapamahalaan ng buong ingat ang bakuna ng Pfizer dahil na rin sa rekomendadong ‘sto­rage temperature’ nito na-70 degree Celsius.

Muling hinikayat ni Manila City Health Officer Dr. Arnold Pangan ang ibang medical frontliners na hindi pa nagpapabakuna na ito na ang kanilang tsansa habang marami pang suplay at ibang brand naman.

Sa pagpapatuloy ng kanilang vaccination program nitong Mayo 12, umabot na sa 84,257 indibiduwal ang nabigyan ng unang dose ng bakuna.  Sa naturang bilang, nasa 52,189 na ang nakatanggap ng kanilang ikalawang dose o ‘fully vaccinated’ na.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with