_ngayon
^
Toktok driver, kalaboso sa âbatoâ
Nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police ang suspek na si Ronquel Andy Beltran, alyas Oneng, 32, residente ng Pinagpala St., Serrano Subd., Marulas ng nasabing lungsod.
STAR/ File

Toktok driver, kalaboso sa ‘bato’

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang ‘Toktok’ delivery river matapos na mahulihan ng  shabu sa  isinagawang buy-bust operation  kahapon ng  umaga sa Valenzuela City.

Nakapiit sa detention cell ng Valenzuela City Police ang suspek na si Ronquel Andy Beltran, alyas Oneng, 32, residente ng Pinagpala St., Serrano Subd., Marulas ng nasabing lungsod.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PSSg Ana Liza Antonio, dakong alas-5:45 ng umaga nang magsagawa ng  buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa Gen. T De Leon Road,  Valenzuela City

Nagpanggap na buyer ng ilegal na droga si PCpl Dario Dehitta at nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P1,000 halaga ng droga at nang ibigay ni Beltran ang shabu na binili ng poseur buyer, agad na dinakip ni PCpl Randy Canton ang suspek.

Narekober sa suspek ang apat na heat sealed transpa­rent plastic sachet na humigit kumulang na 5 gramo at tinatayang nasa P34,000.00 ang halaga, P500 pesos buy-bust money na may kasamang P500 boodle money, P280 pesos, ID at driver’s license, sling bag, VIVO cellular phone at Yamaha motorcycle na may plakang No. 1801-0171473.

Inihahanda na ang kaso laban sa nadakip na suspect.

SDEU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with