_ngayon
^

Tren ng MRT-3, binandalismo

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang binandalismo kamakalawa ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, lumalabas sa paunang imbestigasyon na dakong alas-8:35 ng gabi nang iulat ng isang train driver ang nakitang tren palabas ng Santolan station (Northbound), na may nakasulat na salitang ‘cranks’ sa kaliwang bahagi nito.

Ayon sa driver ng vanda­lized train, tumigil ang kaniyang minamanehong tren sa wayside area ng Magallanes station at Taft Avenue station upang maghintay ng signal, bago pumasok sa Taft Avenue station platform (Southbound).

Wala siyang napansin na anumang kakaiba.

Anang MRT-3, maaaring nakapasok sa Taft Avenue station ang mga suspek gamit ang kakadiskubre lang na damaged perimeter fence sa harap ng isang gasoline station.

Patuloy naman na ngayon ang ginagawang imbestigas­yon ng MRT-3 sa insidente ng bandalismo.

Ininspeksiyon na rin ni MRT-3 Director for Operations Michael J.Capati ang area sa pagitan ng Taft ­Avenue station at Magallanes station kung saan nangyari ang insidente.

Ayon kay Capati, magde-deploy ang pamunuan, katuwang ang security provider nito na Kaizen Security Agency, ng karagdagang roving security personnel upang manduhan ang site at iba pang high-security risk areas sa railway.

Samantala, kinondena naman ni MRT-3 OIC Ge­neral Manager Asec. Eymard D. Eje ang pangyayari, at sinabing gagawin ng pamunuan ang lahat upang mahuli ang mga salarin.

“Hindi po tayo titigil hangga’t hindi nahuhuli ang gumawa ng karuwagang ito, at nanira ng isa public pro­perty,” ani Asec. Eje.

Sasailalim din aniya ang tren sa cleaning at repainting.

MRT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with