^

Metro

‘One-time big-time’ operation vs ‘pasaway sa protocols, inilatag sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
�One-time big-time� operation vs �pasaway sa protocols, inilatag sa Quezon City
Ang mga nahuling violators ay dinala sa Quezon Memorial Circle at saka gagawin dito ang profilling.
Miguel de Guzman/File

MANILA, Philippines — Umabot sa 3,200 katao ang naaresto sa Quezon City  sa isinagawang “One time Big- time” Operation  laban sa mga health protocol violators tulad ng hindi pagsusuot ng face mask at face shield, gayundin ng social distancing.

Ang mga nahuling violators ay dinala sa Quezon Memorial Circle  at saka gagawin dito ang profilling.

Ang mga nahuli ay naisyuhan ng ordinance violation receipts na may kaukulang penalty na mula P300 sa unang offense  hanggang  P1,000 sa paulit- ulit na pagsaway sa ordinansa sa health protocols.

Ang mga hindi makabayad ng multa dahil sa hindi pagsunod sa ordinansa ay maaaring makasuhan sa korte at lalabas  ang rekord  sa naging kaso nito oras na kumuha ng police clearance.

Ang mga indibiduwal naman na kakikitaan ng sintomas ng COVID-19  tulad ng lagnat, ubo at sipon at nahihirapang hu­minga ay sasailalim sa swab testing.

Niliwanag ni General Elmo San Diego, hepe ng QC  Department of Public Order and Safety na ang hakbang ay ginagawa ng lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang kaligtasan ng bawat mamamayan mula sa banta ng COVID- 19.

vuukle comment

VIOLATORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with