^

Metro

Maynila nakumpleto na ang pamimigay ng ECQ ayuda

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Maynila nakumpleto na ang pamimigay ng ECQ ayuda
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na umabot ng 35 araw ang itinagal ng pamimigay ng ayuda na pinangasiwaan ng Manila Department of Social Welfare mula nitong Abril 6. Ito ang naatasan na ipatupad ang Joint Memorandum Circular (JMC) No. 1 series of 2021 na naglalaan ng P1,000 bawat indibiduwal na may maximum na P4,000 kada isang pamilya makaraang magpatupad ang pamahalaan ng ‘enhanced community qua­rantine’.
STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nakumpleto na ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pamimigay ng ayuda mula sa nasyunal na pamahalaan na umabot sa 380,820 pamilya ang nabiyayaan nito.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na umabot ng 35 araw ang itinagal ng pamimigay ng ayuda na pinangasiwaan ng Manila Department of Social Welfare mula nitong Abril 6.  Ito ang naatasan na ipatupad ang Joint Memorandum Circular (JMC) No. 1 series of 2021 na naglalaan ng P1,000 bawat indibiduwal na may maximum na P4,000 kada isang pamilya makaraang magpatupad ang pamahalaan ng ‘enhanced community qua­rantine’.

“Thank you sa national government. Dumating ang tulong ninyo thru the effort ng aking mga kasamahang nagli­lingkod sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila. We give credit when it’s due and to whom it’s due,” ayon kay Moreno.

Nasa 6,421 Persons with Disabilities (PWDs), 4,241 solo parents, at 20,335 persons under vulnerable groups (mga informal workers at tsuper) sa lungsod ang nabigyan din ng P1 libong ayuda mula sa national go­vernment.

Nabatid na nasa 9,072 na inisyal na hindi kasama sa talaan ng ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nagawang maisama ng lokal na pamahalaan at nakatanggap din ng kanilang financial assistance.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with