^

Metro

Mga nag-swimming sa resort sa Caloocan, tutukuyin

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pipilitin ng  Caloocan City Police na matukoy  ng kanilang  contact tracers ang  mga nagswimming  sa Gubat sa Ciudad  noong Linggo bagama’t pinaiiral ang  modified enchanced community quarantine (MECQ).

Sa panayam kay Caloocan City Police chief, Col.  Samuel Mina, sinabi nito na pakikilusin niya ang  kanyang 30 contact tracers na pulis  katulong ang Barangay Health Emergency Response Team upang tuntunin ang mga pasaway na  nagswimming noong Mothers Day.

Sinabi ni  Mina na hindi biro ang  panganib nang paglalangoy ng nasa 500 katao dahil mataas pa rin ang bilang  ng hawaan ng virus sa bansa.

Aminado rin si Mina na mahirap para sa mga contact tracers  kung mali ang nakasaad  na impormasyon  sa re­gistration sheet ng resort.

Kasabay nito, inatasan din ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga station commanders na tutukan ang kanilang mga  nasasakupan dahil responsibilidad ng mga ito na maiwasan ang  pagkalat ng  virus.

Una nang sinibak sa puwesto si Caloocan City’s Police Community Precinct 9 commander P/Major Harold Aaron Melgar  matapos na mabigong  ipatupad ang minimum public health safety protocols sa kanyang nasasakupan. Si Melgar ay pinalitan ni P/Lt. Ronald Jasmin Batalla.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with