Superspreader campaign event, babaguhin ng Comelec
MANILA, Philippines — Para maiwasan ang ‘superspreader events’ sa panahon ng kampanya, magpapatupad ng pagbabago ang Commission on Elections (Comelec) sa uri ng pangangampanya ng mga partido at kandidato para sa darating na 2022 Presidential Elections.
Sinabi ni Comelec Commissioner Antonio Kho na magkakaroon ng mga pagbabago dahil sa sitwasyon sa COVID-19 kung saan magiging ‘superspreader’ ng virus ang mga pagtitipon tulad ng mga political rallies.
“Yung mga kampanya where the candidates will be there, rallies, etcetera, hindi na ‘yan kagaya noong dati kasi alam mo naman kinatatakutan natin dito ‘yung superspreader events,” ayon kay Kho.
Sinabi naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na kabilang sa restriksyon na ipatutupad nila ang limitadong bilang ng mga puwedeng dumalo sa mga political events at mahigpit ang pagpapatupad na palagiang nakasuot ng face mask at face shield.
Mas tutol naman ang Department of Health (DOH) sa anumang uri ng pagtitipon sa panahon ng kampanya at halalan hanggang maliit na bahagi pa lamang ng populasyon ang nababakunahan.
“It’s not just the wearing of face mask, face shield we’re talking about but also making sure that we practice physical distancing and more importantly, no mass gatherings until perhaps after a lot of us have been vaccinated,” ayon kay DOH Health Promotion and Communications Director Dr. Beverly Ho.
- Latest