^

Metro

Barangay chairman sa Gubat sa Ciudad resort, pinasususpinde, kinasuhan

Doris Franche, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Barangay chairman sa Gubat sa Ciudad resort, pinasususpinde, kinasuhan
Swimming pool club Gubat Sa Ciudad Resort sa Barangay 171 sa Caloocan City iniutos na sarado tulad ng makikita sa Lunes, Mayo 10, 2021 matapos itong mapaunlakan ng maraming mga customer, paglabag sa mga protocol sa kalusugan sa ilalim ng isang binagong quarantine.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinasususpinde ng  Caloocan City health department  sa konseho ng  Caloocan City  si Brgy. Chairman Romeo Rivera ng Brgy. 171 dahil umano sa  kapabayaan sa naganap na pagsu-swimming ng may  500 katao sa Gubat sa Ciudad resort.

Sa motion na inihain nina City Health Evelyn Cuevas at  Business Permit and Licensing Office chief  Atty. Emmanuel Vergara, nakasaad na nagpabaya si Rivera sa kanyang  tungkulin nang  payagan umano nito  na mag-swimming  sa  nasabing resort ang nasa 500 katao upang  ipagdiwang ang  Mothers Day sa kabila na umiiral ang MECQ sa NCR.

Hiling ng mga ito, suspindihin ng 60 araw si Rivera habang sumasailalim ito sa imbestigasyon.

Kasabay nito, kinasuhan na rin si Rivera ng administrative case sa Sangguniang Panglunsod ng  Gross Neglect of Duty of Dereliction of  Duty at Conduct  Prejudicial to the Best Interest of the Service matapos itong mabigo na ipatupad ang  Omnibus Guidelines na ipinatutupad ng  IATF.

Ayon sa dalawang opisyal,  tila nagbulagbulagan  si Rivera sa  operasyon ng nasabing resort nang  dumagsa ang  mga tao na posibleng maging sanhi ng  hawaan ng virus.

Anila, dapat lamang na alam ni Rivera ang lahat ng  mga galaw sa kanyang mga nasasakupan lalo pa’t limitado ang kilos na pinaiiral dahil sa  pandemya.

Una nang sinabi ni  Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na hindi  siya naniniwala na hindi alam ni Rivera na nagbukas  o magbubukas ang resort noong Mothers Day.

Tiniyak naman ni  DILG  Secretary Eduardo Año na mananagot si Ribera sa nasabing insidente. Ayon kay Año, ipinatawag na ng lokal na pulisya si  Rivera,  upang papagpaliwanagin sa isyu.

Aniya pa, nasa proseso na ngayon ang Philippine National Police (PNP) at ang Caloocan City government ng paghahain ng kaso laban sa mga lumabag sa community quarantine, kabilang na ang may-ari ng Gubat sa Ciudad Resort.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with