^

Metro

Higit 18K katao, arestado sa hindi pagsusuot ng face masks

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Higit 18K katao, arestado sa hindi pagsusuot ng face masks
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang naturang bilang ng mga naarestong violators ay naitala nila mula Mayo 6 hanggang Mayo 10 lamang.
The STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Umaabot na sa kabuuang 18,862 indibiduwal ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa hindi pagsusuot o di kaya ay maling paraan nang pagsusuot ng face masks.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang naturang bilang ng mga naarestong violators ay naitala nila mula Mayo 6 hanggang Mayo 10 lamang.

Sa isang televised meeting kay Pang. Duterte, sinabi ni Año na sa naturang bilang, 9,379 ang binigyan ng warning; 8,027 ang pinagmulta; 491 ang pinag-community service; 904 ang inaresto at 61 ang isinailalim sa inquest proceedings.

Kaugnay nito, tiniyak ni Año sa Pangulo na patuloy nilang ipinatutupad ang kautusang inilabas nito noong nakaraang linggo, na arestuhin ang mga taong matigas ang ulo at hindi pa rin tumatalima sa tamang pagsusuot ng face mask kapag nasa mga pampublikong lugar.

“Patuloy po nating ipapatupad ang inyong pag-uutos na arestuhin ang mga hindi po sumunod sa pagsusuot ng face mask. Tuluy-tuloy po naming ipatutupad ang inyong instructions sapagkat ito po ‘yong pinagmumulan ng sinasabi nating outbreak ng COVID-19  kapag po sumuway sa public health standard protocol,” dagdag pa ni Año.

Samantala, iniulat na rin ni Año na nasa 280 katao ang nahuli nilang lumalabag sa mass gatherings.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with