_ngayon
^

Metro Manila Council magpupulong para sa bagong ‘quarantine status’

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang magpulong ngayong araw ang mga alkalde na miyembro ng Metro Manila Council (MMC) para magbaba ng desisyon sa nais nilang ‘quarantine status’ sa rehiyon habang unti-unting bumababa ang mga kaso ng COVID-19.

Sinabi ni MMC Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na kung siya ang tatanungin ay nais niya ng mas relaks na quarantine status. Ngunit kung ano ang magiging kabuuang desisyon ng konseho ay siya nilang susundin.

Ipinagmalaki niya na bu­maba na sa 0.63 ang reproduction rate ng virus sa Pa­rañaque City habang bumaba na rin ng malaki ang kanilang mga aktibong kaso at hospital utilization rate.

Pabor din naman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa mas mababang quarantine status ngunit iginiit niya na kailangang dahan-dahanin ito base sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Abalos na ilan sa opsyon na pag-aaralan niya kasama ang mga Metro Manila Mayors ay kung pananatilihin ang kasalukuyang ‘modified enhanced community quarantine’ o ibaba ito sa ‘general community quarantine’.  May opsyon din na ilagay ito sa gitna habang hindi pa tiyak kung magtutuluy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso.

Ganito rin naman ang posisyon ng OCTA Research Group makaraan ang pagbaba ng positivity rate sa Metro Manila sa 13% at ng hospital occupancy rate sa mababa pa sa 70%.

Ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng OCTA, na kung biglaan ang pagbubukas ay pinangangambahan nila ang mga pangyayari tulad ng pagsisiksikan ng mga tao sa isang resort sa Caloocan City na nakitaan ng lahat ng uri ng paglabag sa ‘minimum health protocols’.

MMDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with