^

Metro

Nanay, pinatay sa mismong ‘Mother’s Day’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mismong sa pagdiriwang ng ‘Mother’s Day’ binaril at napatay ng isang ‘di kilalang salarin ang isang ginang sa loob ng kanyang tahanan sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ng biktimang si Carlota Panugan Macatangay, 41, ng Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, Quezon City habang nakatakas naman ang ‘di pa nakikilalang salarin.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Julius Raz ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa mismong tahanan ng biktima.

Sa salaysay ng kapitbahay ng biktima, na nakatuklas ng krimen  nabatid na nagtungo siya sa bahay ni Macatangay upang maningil sana ng pautang ngunit laking pagkagimbal nya nang tumambad sa kaniya ang duguang bangkay ng ginang na nakahandusay sa ikalawang palapag ng bahay nito.

Sa takot ay kumaripas umano ng takbo ang kapitbahay at nagtungo sa barangay upang ireport ang pangyayari.

Ayon naman sa isa pang kapitbahay, na hindi na rin pinangalanan, nabatid na kasalukuyan siyang nanonood ng telebisyon sa kanilang bahay, nang makarinig ng isang malakas na putok  pero binalewala lamang umano niya ito at hindi akalain na pinatay na pala ang biktima.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang posibleng may kagagawan ng pangyayari gayundin sa motibo nito, lalo na at sinabi ng mister ng biktima na si Jason na wala siyang nalalaman na nakaaway ng kaniyang misis.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with