_ngayon
^
18 LGUs, nakakumpleto na ng distribusyon ng ayuda
Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, natapos na ng naturang 18 LGUs ang pamamahagi ng ayuda mula sa national government, bago pa man sumapit ang itinakdang deadline sa Mayo 15, 2021.
STAR/Walter Bollozos, file

18 LGUs, nakakumpleto na ng distribusyon ng ayuda

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 18 local go­vernment units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) Plus ang nakakumpleto na ng distribusyon ng ayuda para sa mga kuwalipikadong beneficiaries sa kanilang lugar.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, natapos na ng naturang 18 LGUs ang pamamahagi ng ayuda mula sa national government, bago pa man sumapit ang itinakdang deadline sa Mayo 15, 2021.

Sinabi ni Año na kabilang sa 18 LGU ayuda finishers hanggang nitong Mayo 8, 2021, ay 13 mula sa Laguna, na kinabibilangan ng mga lungsod ng Biñan; Cabuyao; San Pedro; Santa Rosa; Alaminos; Calauan; Famy; Magdalena; Nagcarlan; Paete; Pila; Rizal; at Santa Cruz.    Ang iba pa namang LGUs na nakapagrehistro na ng 100 percent distribution rate ay ang Guiguinto at Pandi sa Bulacan at Tagaytay City, Amadeo, at Naic sa Cavite.

Hindi pa naman nakakatapos ng distribusyon ang LGUs sa Rizal ngunit ang Cardona ay nasa 95.94 percent na.

Samantala, iniulat din ng DILG chief na nasa halos 81% na rin aniya ang distribution rate sa buong NCR Plus. Sinabi ni Año na mahigit sa P18.6-bilyon ang naipamahagi na sa qualified recipients sa lahat ng LGUs sa loob ng NCR Plus bubble na katumbas ng 80.95 percent distribution rate.

NCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with