_ngayon
^
COVID-19 reproduction rate sa NCR, bumaba na
Dahil sa pigurang ito, inaasahan ng OCTA Research Group na ang Metro Manila ay makapagtatala na lamang ng average na mas mababa pa sa 1,900 na bagong kaso ng sakit sa Mayo 14.
The STAR/Walter Bollozos

COVID-19 reproduction rate sa NCR, bumaba na

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilang araw bago magtapos ang pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus sa Mayo 14, ay bumaba na lamang sa 0.67 ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila mula sa dating 0.69.

Bumaba na rin sa 50% ang hospital bed occupancy rate sa Metro Manila habang ang ICU utilization rate ay nasa 67% na lamang.

Dahil sa pigurang ito, inaasahan ng OCTA Research Group na ang Metro Manila ay makapagtatala na lamang ng average na mas mababa pa sa 1,900 na bagong kaso ng sakit sa Mayo 14.

Nakasaad rin sa ulat na ang kasalukuyang average number ng virus infections sa National Capital Region (NCR) ay nasa 2,172 na lamang mula Mayo 2 hanggang Mayo 8.

“The current daily ­average is 61% lower compared to the peak of the surge [from] March 29 to April 4,” ayon pa sa grupo.

Sinabi ng grupo na ang positivity rate, o bilang ng mga positive tests mula sa total COVID-19 tests, ay umabot na lamang sa 14% sa Metro Manila nitong nakalipas na linggo.

Ang average tests ­anila na isinasagawa araw-araw sa rehiyon ay nasa 23,100.

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with