_ngayon
^
P316 milyong illegal goods, nasamsam ng BOC
Unang sinalakay ng mga tauhan ng Manila International Container Port’s (MICP) at Port of Manila (POM) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang ilang bodega sa Navotas City sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na inilabas ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
STAR/ File

P316 milyong illegal goods, nasamsam ng BOC

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa P316 mil­yong halaga ng iba’t ibang produkto na ilegal na naipasok sa bansa ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa iba’t ibang bodega sa Navotas at Pasay City nitong Mayo 7.

Unang sinalakay ng mga tauhan ng Manila International Container Port’s (MICP) at Port of Manila (POM) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang ilang bodega sa Navotas City sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na inilabas ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Dito nila nadiskubre sa mga pasilidad ang mga smuggled na frozen na mga karne, Peking duck at black duck na nagkakahalaga ng P16 milyon. Sa pagsalakay naman ng isa pang grupo sa mga bodega sa Pasay City, nadiskubre naman dito ang sari-saring mga pekeng branded na damit na aabot naman sa halagang P300 milyon.  Posibleng ­ibinibenta ito sa mga tindahan sa Baclaran at iba pang lugar.

Hindi naman malinaw sa ulat ng BOC kung may mga nadakip sila sa naturang mga operasyon o natukoy ang mga taong nasa likod ng mga ilegal na kargamento.

Isinailalim na sa imbentaryo at imbestigasyon ang mga nakumpiskang items dahil sa posibleng paglabag sa Section 1400 ng RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at mga bagtas sa intellectual property ng Pilipinas.

BOC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with