_ngayon
^
Gen. Eleazar maghahanda ng kulungan sa face mask violators
Ayon kay Eleazar, mahigpit ang kautusan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga lalabag sa pagsusuot ng face mask bunsod ng pandemyang kinahaharap ng bansa.
STAR/ File

Gen. Eleazar maghahanda ng kulungan sa face mask violators

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaghahanda ni PNP Chief Gen. Guillermo ­Eleazar ang kanyang mga tauhan ng detention facilities para sa mga maaarestong pasaway sa maling pagsusuot ng face mask.

Ayon kay Eleazar,  mahigpit ang kautusan ni  Pa­ngulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga lalabag sa pagsusuot ng face mask bunsod ng  pandemyang  kinahaharap ng  bansa.

Subalit nilinaw ni Eleazar na paiiralin ang physical distancing  sa detention facilities kung saan maari lamang ikulong ang violators sa loob ng 12 oras.

Binigyan diin ni  Eleazar  na may bilin siya  sa kanyang mga tauhan na ipatupad ang maximum tolerance sa pag-aresto ng mga violators at paalalahanan sa kanilang  mga paglabag.Giit ni ­Eleazar, makikipag-ugnayan sila sa mga barangay offcials para sa  posibleng lugar na pagtatayuan ng mga detention facilities sa kanilang mga nasasakupan. Posible ring magkulang ang mga detention facilities kung patuloy na lalabag sa batas ang  publiko sa paggamit ng face mask.

Nananatiling nasa Modified Enchanced Community Quarantine ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang sa Biyernes May 14.

GUILLERMO ­ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with