_ngayon
^
Namaril ng barangay kagawad, utas sa shootout
Dead-on-the-spot ang suspek na kinilalang si Edgardo Maluto, 52, ng Zone 6, Capisnon Kauswagan, Cagayan De Oro City.
STAR/ File

Namaril ng barangay kagawad, utas sa shootout

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki na unang namaril sa isang barangay kagawad nang makipagputukan sa mga humahabol na pulis, sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang suspek na kinilalang si Edgardo Maluto, 52, ng Zone 6, Capisnon Kauswagan, Cagayan De Oro City.

Nakilala ito sa pamamagitan ng drivers license at unified multi-purpose ID na nakuha sa kaniyang katawan.

Kasalukuyan namang nakaratay pa sa Metropolitan Medical Center ang biktimang si Alinor Sharief , 51, kagawad ng Brgy. 383 Zone 39 at residente ng  Arlegui St., Quiapo, Maynila, dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib at kaliwang braso.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 14, dakong alas-6:20 ng gabi kamakalawa nang pagbabarilin ng suspek ang biktima sa loob ng Rizza’s Food House na matatagpuan sa  Arlegui St.

Sa inisyal na ulat ni P/Chief Master Sgt. Anthoiny Serra ng PS-14, pumasok umano sa nasabing eatery ang suspek at walang sabi-sabing binaril nang malapitan ang biktima at saka tumakas.

Agad namang nagsumbong sa pulisya ang mga testigo na humabol sa suspect.

Naabutan ng mga pulis sa Nicanor Reyes St., sa Sampaloc, Maynila ang suspek na nagpaputok kaagad kaya gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi nito.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pamamaril ng nasawi sa nasabing brgy. kagawad.

PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with