_ngayon
^
Killer ng 15-anyos na kapitbahay, timbog
Nakilala ang nadakip na suspect na si Anwar Pascan E. Piang, 19, na unang nakilala sa alyas na ‘Negro’. Nasabat ito sa isinagawang follow-up operation ng mga tauhan ng Pasig City Police, sa isang night market sa Pasay City, sa pangunguna ni PSSgt Joselito Sedeño.
STAR/ File

Killer ng 15-anyos na kapitbahay, timbog

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga awtoridad ang lala­king itinuturong suspek sa pagpatay sa isang 15-anyos na binatilyo na binaril umano nito matapos lamang na tumangging sumunod sa kanyang iniuutos dito sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Nakilala ang nadakip na suspect  na si Anwar Pascan E. Piang, 19, na unang nakilala sa alyas na ‘Negro’. Nasabat ito sa isinagawang follow-up operation  ng mga tauhan ng Pasig City Police, sa isang night market sa Pasay City, sa pangunguna ni PSSgt Joselito Sedeño.

Narekober din umano ng mga pulis mula sa suspek ang baril na ginamit nito sa pagpatay sa biktimang si Raprap Misa, 15, isang Grade 7 student at residente ng   V. Baltazar St., Brgy. Pinagbuhatan, dakong alas-4:00 ng madaling araw noong Miyerkules.

Idinadahilan umano ni Piang sa mga pulis na aksidente lamang niyang nabaril ang biktima, na nagresulta sa pagkamatay nito.

Ayon kay Raul Misa, ama ng biktima, ilang kapitbahay ang nagkuwento sa kanya na bago ang krimen ay ilang ulit nang inuutusan ng suspek ang biktima na bumili sa tindahan.

Gayunman, nang muli umanong utusan ng suspek ang biktima na bumili ng softdrinks ay tumanggi na ito at sinabing pagod na siya at gusto na niyang magpahinga.

Ikinagalit umano ito ng suspek at naglabas ng baril at pinaglaruan ito sa harap ng biktima.

“Naglabas yata ng baril pinaglaruan po sa harap ng anak ko. Me­rong witness na nagsabi sa akin na dalawang kalabit, hindi pumutok. ‘Yung pangatlong kalabit, ‘yun na po ‘yun,” dagdag pa ng ama.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with