_ngayon
^
Miyembro ng Abu Sayaff sa Taguig, tiklo
Sa ulat na isinumite kay NCRPO chief, P/Major General Vicente Danao Jr., ang nadakip ay kinilalang si Wahab S. Jamal, alyas Ustadz Usman Halipa, 53, na inaresto dakong alas-7:00 ng gabi ng Mayo 7, 2021 matapos ang isinagawang surveillance, monitoring at intelligence information gathering hanggang sa matunton na siya sa Marawi St., Maharlika Village, Taguig City.
STAR/ File

Miyembro ng Abu Sayaff sa Taguig, tiklo

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang  sinasabing mi­yembro umano ng Basilan/Zamboanga-based Abu Sayyaf Group na pinamumunuan ni Isnilon Hapilon at sangkot sa kidnapping sa mga manggagawa ng Golden Harvest Plantation sa Tairan, Lantawan, Basilan noong Hunyo 11, 2001, ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Special Action Force, RISG-NCR  at National Bureau of Investigation (NBI), sa Taguig City, kamakalawa.

Sa ulat na isinumite kay NCRPO chief, P/Major General Vicente Danao Jr., ang nadakip ay kinilalang si Wahab S. Jamal, alyas Ustadz Usman Halipa, 53, na inaresto dakong alas-7:00 ng gabi ng Mayo 7, 2021 matapos ang isinagawang surveillance, monitoring at intelligence information gathering hanggang sa matunton na siya sa Marawi St., Maharlika Village, Taguig City.

Wanted si Jamal bilang akusado sa kaso ng kidnapping at serious illegal detention na inisyu ni Judge Lorifel Lacap Pahimna, ng Taguig City RTC/Walang inirekomendang piyansa dito.

“I commend the unwavering effort of the units concerned in tracking down and causing the arrest of this wanted person for Kidnapping and Serious Illegal Detention. This successful operation reflects our commitment to intensify our campaign against wanted persons and to ultimately ensure that they will face the charges filed against them in Court.” Ani danao.

NBI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with