_ngayon
^

Archdiocese ng Manila, nagmisa sa mga nasawi sa COVID-19

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng tinaguriang ‘Mass for the Dead’ o para sa mga nasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Manila Cathedral sa Intramuros, kahapon.

Nanguna sa misa si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo , na naka-live stream sa social media pages ng Manila Cathedral para maraming tao ang makalahok dito.

Ayon kay Pabillo, layunin ng naturang  na misa na ilapit sa Panginoon ang pagdadalamhati ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19.

Sinabi pa ni Pabillo na bukod sa misang ito ay nagtakda rin sila ng tatlong araw na prayer and charity para sa mga biktima ng COVID-19 at sa mga medical frontliners na patuloy na nakikipaglaban sa pandemya.

Naniniwala rin ang obispo na magbibigay ng pag-asa sa lahat ang sama-samang pagdarasal at pagdadalamhati sa mga naulila.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with