_ngayon
^

P68 milyong shabu nasabat sa Parañaque

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 10 kilo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Parañaque Police sa isinagawang operasyon saNinoy Aquino Avenue, Brgy. Sto. Nino, Parañaque City .

Kinilala ni National Capital region Police Office (NCRPO) chief, P/Major General Vicente Danao Jr. ang nadakip na suspect na si Ralel Barauntong, alyas Boss, 29 .

Sa ulat, nagkasa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng PDEA-NCR kasama ang Parañaque Police Station at Sub-Station 3, kung saan nakabili ang poseur-buyer ng  shabu sa suspek.

Nasamsam ang  10 kilong shabu, isang Nokia cellphone na ginamit sa transaksiyon, isang Chevrolet Opra.

Nasa kustodiya ng PDEA-NCR ang suspek habang inihahanda pa ang ihahaing reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Malaking bagay ang pagkakahuli at pagkakakumpiska ng milyung-milyon halaga ng ilegal na droga sa nasabing buy-bust na ito,” ani Danao.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with