^

Metro

Ginang na nandedenggoy ng mga OFWs, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ginang na nandedenggoy ng mga OFWs, timbog
Nakilala ang suspek na si Evelyn Marquez, 50-anyos at residente ng lungsod ng Dasmariñas, Cavite.
Artemio A. Dumlao

MANILA, Philippines — Tuluyan nang na-swak sa kulungan ang isang ginang na ilang taon nang modus ang pambubudol sa mga Overseas Filipino Wor-kers (OFWs), kamakalawa sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang suspek na si Evelyn Marquez, 50-anyos at residente ng lungsod ng Dasmariñas, Cavite.

Sa rekord ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, taong 2017 pa lang ay may kaso na itong swindling sa kanila.

Nabatid na isang aplikante na OFW ang dumulog sa Ermita Police matapos umanong tangayin ng suspek ang kaniyang bag na nag­lalaman ng cellphone, wallet, at wedding ring.

Nagkakilala ang da-lawa nitong nakaraang Miyerkules at nagkasama pa sa isang kainan sa UN Avenue. Pero paglabas sa kainan, dala na rin ng suspek ang bag ng kasama.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Evangeline Cayaban, hepe ng Ermita Police na modus ng suspect na kumbinsihin ang kanyang mga biktima na siya ay apli­kante rin. Sasabay siyang kumain at mag-CR hanggang sa makuha na ang loob ng biktima.

Nabawi mula kay Marquez ang mga ga­mit at ATM card ng huli niyang biktima pero nasimot na ang laman nitong P50,000.

Nakaditine ngayon ang suspek sa Ermita Police Station cell at nahaharap sa kasong Theft sa Manila City Prose­cutor’s Office.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with