_ngayon
^

Higit 1K pasaway sa protocols, curfew dinampot sa Maynila

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dinampot ng nga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang aabot sa 1,000 indibiduwal kabilang ang ilang dayuhan dahil sa paglabag sa health protocols at curfew sa iba’t ibang lugar sa Maynila nitong Huwebes ng gabi.

Aabot sa 564 ang di­nampot dahil sa paglabag sa curfew at 450 naman sa iba’t ibang ordinansa.

Sa Ermita, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Ermita Police Station nang mamataan ang isang grupo na lumalabag sa curfew na agad pumasok sa isang establisimiyento.

Sinundan sila ng mga pulis at tumambad sa kanila ang mga nag-iinu­mang mga lalaking kustomer kabilang ang ilang dayuhan at mga babae sa kabila ng curfew.

Ipinatupad ang pag-aresto sa kanila dahil rin sa paglabag sa social distancing, at wala rin silang mga face mask at face shield.

Walang humarap na manager ng establisimiyento. Nasa 20 ang dinampot ng mga pulis para maidokumento ngu-nit pumalag at nagmura ang isang dayuhan na napilitang posasan ng mga pulis.

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with