_ngayon
^
73-anyos na lola, nasagip sa gumuho niyang bahay
Lumilitaw sa ulat ng Mandaluyong Bureau of Fire Protection (BFP) na dakong alas-3:43 ng hapon nang bigla na lang gumuho ang apat na palapag na tahanan ni Dionisio na may kalumaan na at gawa lamang umano sa light materials.
KJ Rosales, File

73-anyos na lola, nasagip sa gumuho niyang bahay

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga awto­ridad mula sa kanyang gumuhong bahay ang isang  73-anyos na lola sa Brgy. Mauway, Mandaluyong City, kamakalawa ng hapon.

Bagama’t nasugatan ay nasa maayos nang kondis­yon ang biktimang nakila-lang si Lola Corazon Dionisio, na residente ng Block 5, sa naturang barangay.

Lumilitaw sa ulat ng   Mandaluyong Bureau of Fire Protection (BFP) na dakong alas-3:43 ng hapon nang bigla na lang gumuho ang apat na palapag na tahanan ni Dionisio na may kalumaan na at gawa lamang umano sa light materials.

Naguhuan naman ng tahanan si Dionisio kaya’t kaagad na nagsagawa ng search and rescue ope­ration ang mga tauhan ng BFP at Mauway Special Rescue Force.

Matagumpay naman nilang nailigtas ang lola at kaagad na dinala sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagguho ng bahay gayundin ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

BFP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with