_ngayon
^

Second dose ng vaccine sa Quezon City: Sundin ang petsa sa vaccination card

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Niliwanag ng kumpanyang sZconsult na siyang taga-pangasiwa sa online booking ng  vaccination program ng Quezon City government  na isnabin ang natatanggap na email at text patungkol sa pagbibigay ng second dose ng bakuna kontra COVID-19.

Ang paglilinaw ng kompanya ay ginawa sa harap ng kalituhan ng mga taga-QC hinggil sa kung kailan talaga ang kanilang second dose dahil nakakatanggap sila ng email message at text ng araw ng pagbabakuna.

Ayon sa sZconsult nagkaroon sila ng “technical glitch” habang nagsasagawa ng critical update sa kanilang system ngayon pero kung makakatanggap anila ng email at text  hinggil sa araw ng pagpapabakuna ng second dose, ‘wag anila itong susundin bagkus ang sunding petsa at oras ay ang  makikita sa kanilang  vaccination card.

Nitong nagdaang linggo ay nasa A4 priority list na   ang binabakunahan ng lokal na pamahalaan kasama ang   mga OFWs at tricyclce drivers

Humigit kumulang naman sa 200,000 ang kabuuang nabigyan ng first dose ng bakuna at may mahigit 1,000 pa lamang ang inaasahang bibigyan ng second dose  ng bakuna sa lungsod.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with