^

Metro

40 na baboy patay, 160 nakawala sa aksidente sa Navotas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
40 na baboy patay, 160 nakawala sa aksidente sa Navotas
Dahil sa bigat ng trak, na-trap at nadaganan ang nasa 40 na baboy na ikinamatay ng mga ito habang naglundagan naman ang 160 iba pang baboy mula sa trak patungo sa iba’t ibang direksyon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasa 40 na baboy ang namatay, habang aabot sa 160 iba pa ang nakawala matapos na tumagilid ang trak kung saan nakasakay ang mga ito, kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Batay sa report, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kanto ng C-3 Road at Road 10, Brgy. NBBS ng nasabing lungsod.

Sakay ng 14-wheeler truck (NDL4003) ang mga baboy at tinatahak ang kahabaan ng C-3 Road nang bigla na lamang  umangat ang likurang bahagi ng truck saka biglang tumagilid habang  papaliko sa R10.

Dahil sa bigat ng trak, na-trap at nadaganan ang nasa 40 na baboy na ikinamatay ng mga ito habang naglundagan naman ang 160 iba pang baboy mula sa trak patungo  sa iba’t ibang direksyon.

Wala namang ibang naiulat na nadamay na motorista sa nasabing insidente.

Sinabi ni Maricel San Agustin na siyang middleman, nanggaling ang mga baboy mula sa General Santos City at dadalhin sana sa Cavite nang mangyari ang aksidente.

Bukod kay San Agustin, ligtas din ang driver at pahinante ng trak.

Tumulong naman ang mga residente sa paghuli sa mga nagtakbuhang baboy.

Habang ang ilan naman ay pinaghati-hatian ang mga namatay na baboy.

vuukle comment

ROAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with