^

Metro

Biyahe ng LRT-1, natigil dahil sa tumirik na tren

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Biyahe ng LRT-1, natigil dahil sa tumirik na tren
Ayon kay Jacqueline Gorospe, ang head ng Corporate Communications ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, ganap na ala-1:52 ng hapon nang tumirik ang isang tren nila na biyaheng southbound, sa pagitan ng mga istasyon ng Monumento at 5th Avenue sa Caloocan City.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Pansamantalang natigil ang biyahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) matapos na umano’y tumirik ang isa sa mga tren nito sa area ng Caloocan City kahapon ng hapon.

Ayon kay Jacqueline Gorospe, ang head ng Corporate Communications ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, ganap na ala-1:52 ng hapon nang tumirik ang isang tren nila na biyaheng southbound, sa  pagitan ng mga istasyon ng Monumento at 5th Avenue sa Caloocan City.

Kaagad naman umanong pinuntahan ng kanilang mga technician ang apektadong tren at dinala sa depot upang kumpunihin.

Matapos ang 18 minuto o ganap na alas-2:17 ng hapon ay naibalik na sa normal ang operasyon ng LRT-1.

Ang LRT-1 ang siyang nag-uugnay sa Roosevelt, Quezon City at Baclaran sa Parañaque City.

vuukle comment

LRT-1

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with