^

Metro

Lugar na naka-lockdown sa Quezon City, nabawasan na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Lugar na naka-lockdown sa Quezon City, nabawasan na
Ayon sa City Health Department, nasa 36 na lugar na lamang ang naka-lockdown mula sa dating 40 noong nakaraang linggo.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nabawasan na ang mga lugar na nasa ilalim ng Special Concern Lockdown sa Quezon City, gayundin nararamdaman na ang unti-unting pagbaba ng bilang ng mga nahahawaan.

Ayon sa City Health Department, nasa 36 na lugar na lamang ang naka-lockdown mula sa dating 40 noong nakaraang linggo.

Mga komunidad at  kalye na lamang ngayon ang naka-lockdown hindi tulad dati.

Sa kabila ng pagbaba ng mga naka-lockdown, tuluy-tuloy pa rin ang gagawing pamamahagi ng ayuda ng lokal na pamahalaan sa mga nangangailangan.

Nagsagawa na rin ng QC health Department ng  swab testing sa lahat ng mga residente na apektado ng lockdown at kailangang sumailalim sa 14 days quarantine habang hinihintay ang resulta ng RT-PCR test ng mga ito.

Aminado ang lokal na pamahalaan ng ­Quezon City na nakatulong ng malaki ang dalawang linggong ECQ noong nakaraang buwan at ang pa­tuloy na umiiral na MECQ.

vuukle comment

RT-PCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with