^
UP Diliman Gym, ginamit na ring vaccination hub
Ayon kay Dr. Alfred ­Tengonciang, medical specialist ng UP Diliman Campus, anim na araw nang ginagamit ang UP Diliman Gym kung saan binigyan sila ng go signal ng QC LGU para bakunahan ang mga faculty at comorbi­dity persons.
Philstar.com/File

UP Diliman Gym, ginamit na ring vaccination hub

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ginamit na rin sa pagbabakuna ang  UP Diliman Gym sa Quezon City para sa  A2 at A3 priority list kontra Covid-19.

Ayon kay Dr. Alfred ­Tengonciang, medical specialist ng UP Diliman Campus, anim na araw nang ginagamit ang UP Diliman Gym kung saan binigyan sila ng go signal ng QC LGU para bakunahan ang mga faculty at comorbi­dity persons.

Sinabi ni  Tengonciang, sila na ang humingi ng permiso para sa pagbabakuna upang mabilis na maibigay sa komunidad ng UP.

Umabot sa 1,002 doses ng Sinovac Vaccine ang ibinigay ng QC LGU para bakunahan ang mga senior citizens at comorbidity personnel ng UP.

Sakaling matapos na ang buong UP community ay plano ring buksan ito sa ibang sektor para tulungan ang pamahalaan na mapabilis ang pagbabakuna sa lungsod.

Ayon kay  Dr. Tengonciang, limitadong suplay pa lamang ng bakuna ang kanilang natatanggap at kung sakaling may bagong suplay ay handa silang magbakuna sa mga taga-labas ng UP Diliman Campus.

UP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with