^
Pagtuturok ng Sputnik V, umarangkada na sa Maynila, Parañaque
Dakong alas-12 kahapon, nasa 59 medical frontliners na ang nabakunahan gamit ang Sputnik V vaccine, ayon kay Manila Health Department head Dr. Arnold Pangan.
STAR/ File

Pagtuturok ng Sputnik V, umarangkada na sa Maynila, Parañaque

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inumpisahan na ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila at ng Parañaque City ang pagbabakuna sa kanilang mga medical frontliners gamit ang Sputnik V COVID-19 vaccine mula sa Russia.

Dakong alas-12 kahapon, nasa 59 medical frontliners na ang nabakunahan gamit ang Sputnik V vaccine, ayon kay Manila Health Department head Dr. Arnold Pangan.

Nasa 3,000 doses ng Sputnik V ang idiniliber sa Maynila makaraang hatiin ang 15,000 trial doses nito sa limang lungsod sa Metro Manila na may ‘cold storage facility’.

Sinabi ni Sta. Ana Hospital Director Dr. Grace Padilla na nasa 70 porsyento na ng ‘healthcare workers’ ang nabakunahan na at hinihikayat pa niya ang iba na magpabakuna na rin para maproteksyunan ang sarili.

Kapag may sumobra sa naturang bakuna o wala nang healthcare workers na nais magpaturok ng Sputnik V, sinabi ni Vice Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan na iaalok na nila ito ngayon sa mga nasa A2 category o mga senior citizen at A3 category o iyong may mga comorbidities.

Aabot na sa 79,593 medical frontliners, senior citizens at may indibiduwal na may comorbities ang nabakunahan sa Maynila.  Sa naturang bilang, nasa 25,341 na ang nakakumpleto na ng ikalawang dose ng bakuna.

Ganito rin ang naging pag-arangkada nang pagbabakuna ng Sputnik V sa Parañaque City na kabilang sa limang lungsod na pinagkalooban nito.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with