^

Chinese, timbog sa pamamaril

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Chinese national makaraang paulanan ng bala ang mga kapwa niya Tsino na nambugbog sa kaniya habang dalawa pang dayuhan na sangkot sa insidente ang pinosasan din ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), kahapon ng madaling araw sa Malate, Maynila.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na Wang Shuangyi, 25, ng  Masangkay Street, Binondo, Manila.  Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan sa dalawa pang hinuling Tsino na parehong hindi marunong magsalita ng Ingles.

Sa ulat ng Malate Police Station 9, naganap ang insidente dakong alas-12:02 ng madaling araw sa kanto ng Aldecoa Street at M.H. Del Pilar Street sa Malate kung saan magkakasunod na putok ng baril ang umalingaw­ngaw at iniulat sa pulisya.

Sa pagresponde ng mga pulis, itinuro ng security guard na si Wilbert Vilamor ang isang itim na BMW sedan kung saan naroroon ang suspek na nagpaputok ng baril.  Nang lalapitan na ito ng mga pulis, pinaharurot ng tsuper ang sasakyan dahilan para magkaroon ng habulan.

Nakorner at naaresto si Wang sa kanto ng Roxas Blvd at Sta. Monica Street sa Ermita. Dito nakumpiska sa kaniya ang Colt 45 na baril at isang magazine na may lamang isang bala.

Nabatid na kalalabas lamang sa isang hotel ni Wang nang salubungin siya ng apat na Tsino. Isa rito ang nakasuntukan ni Wang na naagrabyado kaya nagtungo sa kaniyang kotse at pinaputukan ang mga nakalaban.  Dalawa sa mga Tsino na sangkot sa insidente ang namataan at inaresto rin ng mga pulis.

MPD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with