^

90% ng COVID-19 wards ng PGH, puno pa rin

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nananatiling kritikal pa rin ang kapasidad ng Philippine General Hospital (PGH) dahil sa 90 porsyento ng kanilang COVID-19 bed capacity ang nananatiling puno pa rin, ayon sa tagapagsalita ng pagamutan na si Dr. Jonas del Rosario.

Sinabi ni Del Rosario na sa ngayon ay 234 na sa 250 COVID-19 beds ang okupado ng mga pasyente.

“That’s more than 90 percent occupancy. Ang aming ICU (intensive care unit) puno pa rin. Ang aming emergency room ay puno rin, maraming tinatanggap na pasyente,” ayon Del Rosario.

Inaasahan na agad na mapupuno ang mga higaan dahil sa mayroon pang 80 pasyente ang naghihintay para ma-admit sa PGH at malapatan ng lunas.

“Halos 80 patients po ang naghihintay para matanggap sa ‘ming ospital. Puno po ang charity beds namin. Ang isang nagiging limitasyon ay oxygen ports,” paliwanag pa ng Del Rosario.

Nagkaroon umano ng pagbaba ng bilang ng naa-admit sa pagamutan ngunit biglang tumaas muli sa nakalipas na tatlong araw.

Base sa numero lamang ng kanilang pagamutan, kailangan pa umanong mapalawig pa ang MECQ sa NCR Plus ngunit umaasa pa rin sila na bababa ang bilang ng dumarating na pasyente sa mga susunod na araw.

PGH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with