^

Metro

Libreng sapin sa paa, alok sa Marikina

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa halip na mga pagkain, mga tsinelas at iba pang sapin sa paa ang iniaalok sa mga residente ng isang community pantry sa Brgy. Sto. Niño, Marikina City.

Nabatid na kabilang sa ipinamamahagi ng ‘Otto and Ely Knows shoes’ ay iba’t ibang sukat ng tsinelas, sandalyas at maging sapatos.

Ayon sa manggagawa ng sapatos na si Elise Ebullan, stressed ang mga tao sa nangyayari sa bansa sa ngayon kaya’t nais nilang tumulong upang makapagbigay ng katuwaan sa mga residente, sa pamamagitan nang pagbibigay ng mga sapin sa paa.

“Kasi ‘yung nangyayari ngayon medyo stressed ang mga tao, sabi namin, kung pwede kami makatulong sa ibang paraan para mamigay kami ng katuwaan dito sa community namin dito sa Marikina,” aniya pa.

Matatandaang ang Marikina ay kilala sa taguring ‘Shoe Capital of the Philippines’ dahil dito ginagawa ang matitibay at mga magagandang sapatos sa bansa.

Gayunman, noong nakaraang taon, maraming mga manggagawa ng sapatos ang napilitang tumigil sa kanilang negosyo dahil sa pandemic.

Isa naman si Marikina City Mayor Marcelino Teo­doro sa tumutulong sa kanila upang makabawi at makabangon mula sa kanilang pagkalugi.

 

MARIKINA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with