_ngayon
^
Mayo 15, final deadline na ng distribusyon ng ayuda - DILG
Namigay ng relief goods na may lamang bigas, noodles at mga delata ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines-Civil Relations Service sa mga residente sa Brgy. U.P Campus, ­Quezon City bilang ayuda ngayong pan­demya.
Boy Santos

Mayo 15, final deadline na ng distribusyon ng ayuda - DILG

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na matatapos ng mga lokal na pamahalaan sa NCR Plus areas ang isinasagawang cash aid distribution para sa mga residenteng naapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ) bago ang itinakdang May 15 extended deadlinenito.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, final deadline na at hindi na nila ito muling palalawigin pa.

Sa ngayon ay maayos ang pagsasagawa ng payout process para sa mga kuwalipikadong benepisyaryo ng ayuda, partikular na sa National Capital Region (NCR).

Iniulat ni Malaya na hanggang nitong Biyernes, ang distribution rate ay nasa 66.87% na, nangangahulugan na nasa P7,471,426,000 na ng ayuda ang naipapamahagi.

Nasa 11,172,988 na katao naman na mula sa NCR ang nakatanggap ng ayuda.

Ayon kay Malaya, sa NCR pa lamang ay aabot na sa P11.172 bilyon ang budget na inilaan ng national go­vernment.

Aniya, ang top 5 LGUs naman na nangunguna sa distribution rate ay ang mga lungsod ng Mandaluyong, San Juan, Caloocan, Maynila at Quezon City.

Una nang inaprubahan ng pamahalaan ang pamamahagi ng ayuda na mula P1,000 kada indibidwal o maximum na P4,000 kada pamilya sa NCR, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal, dahil sa panibagong surge ng COVID-19.

ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with