_ngayon
^
Shabu sa tsaa nabisto sa NAIA
Ang 240 gramo ng shabu na isiniksik sa mga tsaa na ga­ling Malaysia matapos makumpiska ng Bureau of Customs sa NAIA sa pakikipagtulungan ng PDEA.
Rudy Santos

Shabu sa tsaa nabisto sa NAIA

Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakasabat ang mga tauhan ng Bureau of Customs Port of NAIA ng 240 gramo ng shabu na may street value na P1,632,000 galing Malaysia na isiniksik sa iba’t ibang klase ng mga tsaa.

Sinabi ni BoC-Port of NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, ang mga epektos ay dumating sa PSI warehouse na ipinadala ng isang alyas ‘Yong Lee chei’ at naka-consigned sa isang hindi ibinanggit ang pangalan na taga-Caloocan City.

Ayon kay Talusan, ang pakete ng mga tsaa ay nagmula sa Malaysia, kapareho ng P1.63 bilyong halaga ng shabu na nakuha noong Oktubre 31, 2020 na nakabalot din sa isang packaging ng tsaa.

Ang pakete ay idineklarang “assorted foodstuff” ni Yong para makalusot sa customs.

Ang parsela ay nai-turnover sa PDEA kahapon, para sa kasong profiling at sa mga taong responsable dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165).

Tiniyak naman ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero na ang Port ng NAIA ay nananatiling naka­tuon sa kanyang pagsisikap na mapigilan ang paglaganap ng iligal na kalakal sa bansa.

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with