^
Hawaan ng COVID-19  sa NCR, bumaba - OCTA
Ang reproduction number ay ang bilang ng tao na maaaring mahawahan ng isang tao na infected ng COVID-19.
The STAR/Michael Varcas

Hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumaba - OCTA

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng pagbaba sa reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region na umabot sa 0.99, ayon sa OCTA Research.

Ang reproduction number ay ang bilang ng tao na maaaring mahawahan ng isang tao na infected ng COVID-19.

Gayunman, sinabi ni Prof. Guido David ng OCTA na hindi pa rin ga­rantiya na tuluyan na ngang pababa ang reproduction number ng virus.

“Bumaba na ang reproduction number natin. It’s 0.99 in NCR, in fact less than one na siya. Pero ngayon pa lang, medyo unstable pa ang trend. Hindi pa yan patuloy na pagbaba. Di pa yan guarantee na patuloy ang pagbaba ng bilang ng kaso,” sabi ni David.

Ayon kay David, ang daily average ng COVID ca­ses ngayon ay 4,300 mas mababa kung ikukumpara sa 5,100 noong nagdaang linggo.

Ang  positivity rate din anya ay pumalo sa 22% na mas mababa sa 25 % noong April 10.

Gayunman sinabi ni David na patuloy na puno ang mga ospital na may mga pasyente ng Covid-19 at ang Pilipinas ay nakapagtatala ng 3,000 kaso kada araw.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with