^
Organizers ng community pantries na mare-red tag, isumbong kay Mayor Isko
Ang mga tao ay nakalinya upang makatanggap ng pagkain mula sa Maginhawa Komunidad Pantry ilagay sa pamamagitan ng Good Samaritan Ana Patricia Non sa Maginhawa Street sa Quezon City noong Abril 17, 2021.
The STAR/Boy Santos

Organizers ng community pantries na mare-red tag, isumbong kay Mayor Isko

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Manila City Mayor Isko Moreno ang mga organizer ng mga community pantries sa lungsod ng Maynila na magsumbong diretso sa kaniya kung sakaling makakaranas sila ng “red tagging” sa kahit anong sangay ng pamahalaan.

Ito ay kasunod ng pahayag ng organizer ng Pandacan Community Pantry na si Marikit Arellano na minabuti nilang isara na ang kanilang community pantry dahil sa pangamba para sa kanilang buhay, makaraan ang umano’y profiling ng mga pulis ng Manila Police District (MPD).

Iginiit ni Moreno na suportado ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga community pantry sa Maynila.

“Nabigyan na ng directives ang MPD not to disturb anybody doing good deeds nung Tuesday,” ayon kay Moreno.

Aniya pa, maaari ring magtungo sa Manila City Hall si Arellano at iba pang orga­nizer ng community pantries kung may kinakaharap pang problema sa red tagging.

Samantala, iginiit MPD director P/BGEN Leo Francisco na wala siyang kautusan at maging ang PNP headquarters na magsagawa ng profiling sa mga organizers ng community pantries.

Sa halip, sinabi ni Francisco na handa ang MPD na tulungan pa ang mga mayroong may community pantry pagdating sa seguridad at pagpapatupad ng health protocols kontra COVID-19.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with