_ngayon
^
DA nagdala na rin ng mga gulay sa community pantries sa Metro Manila
Ang mga residente ay nakakakuha ng sarili nilang libreng pagkain sa pantalon ng komunidad na pinasimulan ng ilang lalaking estudyante sa kolehiyo sa Bayombong, Nueva Vizcaya sa gitna ng coVID-19 pandemic noong Linggo, Abril 18, 2021. Ang mga mag-aaral ay tumanggap ng mga kalakal at iba pang mga grocery item pati na rin ang mga prutas at gulay mula sa mga lokal na magsasaka sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal.
The STAR/ Victor Martin

DA nagdala na rin ng mga gulay sa community pantries sa Metro Manila

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakiisa na rin ang Department of Agriculture (DA) sa mga nakatayong community pantries sa Metro Manila.

Kahapon, mismong ang DA ng Kadiwa ni Ani at Kita ang nagdala ng mga gulay sa Maginhawa Community Pantry sa Quezon City.

Ang ina ni Ana Patricia Non na si Zena Bernardo ang tumanggap ng mga gulay sa truck ng DA na dinala ng kinatawan ng ahensya.

Sabi ng DA, apat na toneladang gulay kada ikalawang araw ang ibaba nila sa iba’t ibang pantries sa Metro Manila.

Nakiusap na rin si Mrs. Bernardo sa DA na tulungan silang makabili ng mga gulay direkta sa mga magsasaka para matulu­ngan din ang mga ito na kumita.

Mayroon ding  aabot sa 8 toneladang gulay mula sa Ifugao ang dadalhin sa Ma­ginhawa Community Pantry sa QC at iba pang pantries sa NCR. 

DA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with