^
Dalaga, tinaniman ng bala sa ulo ng tandem, patay
Nakilala ang biktima na si Aileen Crisostomo Alarcio, 26, collector, at residente ng 200 P. Dela Cruz St., San Bartolome, Novaliches, ­Quezon City.
STAR/ File

Dalaga, tinaniman ng bala sa ulo ng tandem, patay

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang dalaga nang taniman ng bala sa ulo ng riding-in-tandem sa harapan ng isang convenience store sa Quezon City, kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si Aileen Crisostomo Alarcio, 26, collector, at residente ng 200 P. Dela Cruz St., San Bartolome, Novaliches, ­Quezon City.

Sa ulat ni PCpl Mark Darwin Contado ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-3:32 ng hapon ay nakatayo ang biktima sa harapan ng isang kilalang convenience store sa P. Dela Cruz St., kanto ng  Magsaysay St., San Bartolome, Novaliches, nang bigla na lang siyang lapitan ng dalawang suspek, na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Kaagad umanong pinaputukan ng mga suspek ang biktima sa ulo bago mabilis na tumakas bitbit ang armas na ginamit sa krimen.

Sa salaysay ng isang babaeng saksi, nasa lugar din siya nang biglang uma­lingawngaw ang malakas na putok ng baril.

Nang lingunin ang pinagmulan ng putok ay nakita ang biktima na duguang nakahandusay habang humaharurot na papatakas ang mga suspek.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin, gayundin ang motibo sa pagpatay.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with