^

National Day of Prayer sa mga nasawi sa COVID-19 itinakda sa Mayo 8

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Katoliko na mag-alay ng panalangin para sa lahat ng nasawing Pilipino dahil sa COVID-19 sa Mayo 8.

Ito ay makaraang ideklara ni Manila Archdiocese Aposto­lic Administrator Bishop Bro­derick Pabillo ang nasabing petsa bilang Day of Prayer.

Hinihikayat din niya ang mga mamamayan na dumalo sa “Mass for the Dead” na idaraos sa Manila Cathedral dakong alas-9 ng umaga, sa pamamagitan ng livestrea­ming. “The whole archdiocese will mourn for our dead during this pandemic but with great hope given by the Resurrection of the Lord Jesus,” ayon kay Pabillo.

Maaari ring magtayo ang mga Parokya ng mga memorials na may mga larawan ng mga mahal sa buhay at mga kaibigan na pumanaw dahil sa COVID-19 para alalahanin sila at palagiang maalayan ng panalangin.

Sa datos ng Dapartment of Health (DOH), nitong Abril 21 ay nasa 16,265 na ang nasasawi dahil sa COVID-19 buhat nang mag-umpisa ang pandemya noong Marso 2020 sa bansa.

CBCP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with