^

Skyway Stage 3, libre pa rin sa mga motorist

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Libre pa ring magagamit ng mga motorista ang Skyway Stage 3 hangga’t kaya pa umano itong balikatin ng San Miguel Corp. (SMC), na siyang nagtayo at nagpondo sa proyekto.

Ayon kay SMC Pres. Ramon Ang, hindi sila nagmamadaling makakolekta lalo na at may pandemya pa sa ngayon.

Paglilinaw pa niya, ang prayoridad nila ay ang matapos ang proyekto at makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga mamamayan.

“Hindi naman kami nagmamadali. Hangga’t kaya namin, kargahin po namin ‘yun,” ayon kay Ang.  “Can you imagine? May pandemic tapos nagmamadali pa tayo magkolekta? Hindi ganun priority natin. Ang priority is to finish the project and cooperate for better service.”

Tiniyak naman ni Ang na mahaba pa ang kanilang pisi.

Ang pahayag ay ginawa ni Ang matapos na pangunahan ang inspeksiyon at pagbubukas ng Nagtahan off-ramp kahapon, kasama ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang naturang ramp ay magagamit ng mga motoristang mula sa Alabang o Makati patungo sa Maynila.

Matatandaang pormal na binuksan ng SMC ang naturang 18-km elevated Skyway Stage 3 sa publiko noong Enero 14 pa ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa sila nangongolekta ng toll fee.

Ang Skyway Stage 3 project, na 97.68% nang kumpleto, ang nagkokonekta sa North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX).

Idinisenyo ito upang ma-decongest ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila at mapaluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA.

SMC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with