^

Metro

Quezon City mamamahagi ng 5 toneladang kalabasa sa mga naka-lockdown na komunidad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang 5.5 tonelada ng mga kalabasa na ipapamahagi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga apektadong pamilya na nasasakop ng special concern lockdown areas.

Isinailalim sa lockdown ang mga ilang lugar dahil sa patuloy na dumaraming kaso ng COVID-19.

Layon ng hakbang na ito ng QC government na ma­bigyan ng sapat na nutrisyon ang QCitizens dahil mala­king tulong sa paglaban sa COVID-19 ang malakas na pangangatawan.

Ang mga kalabasa ay nagmula sa mga local ve­getable farmers ng Nueva Vizcaya. Isa sa mga layunin ng GrowQC ay suportahan ang mga local farmers gaya nila sa pamamagitan ng mahigpit na ugnayan sa Department of Agriculture.

Ang GrowQC ay isang food security initiative, sa pangunguna ng Food Security Task Force (FSTF), na nagsusulong ng mga programa para maibsan ang gutom ng mga pamilya sa QC ngayong pandemya at suportahan ang ZeroHunger program ng national government.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with