^

Metro

Background check sa community pantry organizers inamin ni Parlade

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Background check sa community pantry organizers inamin ni Parlade
Ang mga tao ay nakalinya upang makatanggap ng pagkain mula sa Maginhawa Komunidad Pantry ilagay sa pamamagitan ng Good Samaritan Ana Patricia Non sa Maginhawa Street sa Quezon City noong Abril 17, 2021.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Inamin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nagsasagawa sila ng background checking sa mga organizers ng community pantry sa bansa.

Ayon kay NTF-ELCAC spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade Jr., ang pagsasagawa nila ng background check ay bunsod na rin ng ulat na ginagaya at ginamit ito ng mga leftist groups upang ilahad ang kanilang mga programa at  propaganda.

“We’re just checking itong background ng mga ‘to. Yes, chini-check ‘yan [(We’re just checking their background. Yes, they are being checked],” ani Parlade.

Sinabi ni Parlade na ilan sa mga leftist groups ay nasa community pantry at gumagawa ng mga  propaganda kasabay ng paglalahad na nagugutom ang  mga Pilipino dahil sa kapalpakan ng  gobyerno.

Gayunman, itinanggi ni  Parlade na siya ring Southern­ Luzon Command commander na isinailalim nila sa red-tagging  ang mga organizers ng community pantries.

Dahil sa red tagging, nagpasya si Anna Patricia Non, ang organizer ng Maginhawa Community Pantry, na pansamantalang  itigil ang community pantry para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga volunteers.

vuukle comment

NTF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with