^
Crematorium sa Manila North Cemetery, natupok
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-3:30 ng madaling araw nang unang mamataan ang apoy sa isang palapag na crematorium facility sa Manila North Cemetery. Alas-4:04 ng madaling araw nang ganap na maapula ng mga bumbero ang apoy.
STAR/ File

Crematorium sa Manila North Cemetery, natupok

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 21, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasunog ang isang crematorium sa loob ng Manila North Cemetery makaraan ang may kalahating oras na sunog, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), alas-3:30 ng madaling araw nang unang mamataan ang apoy sa isang palapag na crematorium facility sa Manila North Cemetery.  Alas-4:04 ng madaling araw nang ganap na maapula ng mga bumbero ang apoy.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa kanang bahagi ng human incinerator crematory equipment.  Masuwer­teng walang nasaktan sa insidente.

Habang isinusulat ito, natutupok naman ang isang pabrika ng posporo at katol sa may Daguisu­nan, Punta, Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat ng BFP, dakong alas-10:43 ng umaga nang mag-umpisa ang apoy sa Phimco Industries Inc. at agad na umakyat sa unang alarma. Patuloy ang paglaban ng mga bumbero sa naturang apoy.

Nauna rito, aabot sa 130 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab nitong Lunes ng hapon sa isang residential area sa may Paul Creek Side Lopez Village, Barangay San Isidro sa Parañaque City.

Dakong alas-3:19 ng hapon nang sumiklab ang apoy at naapula lamang pagsapit ng alas-5:27 ng hapon.

Aabot sa P300,000 halaga ng ari-arian ang natupok kung saan 65 barung-barong ang nada­may.

BFP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with