^

Metro

36 Koreano, Chinese at Indonesians timbog sa illegal online gaming

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa 36 na Indonesian, Chinese at Koreano ang naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa pagsalakay sa isang ilegal na online gaming company sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, nakatanggap ng impormasyon ang kanilang intelligence division na may mga dayuhan na nagtatrabaho sa Double Dragon Plaza Tower 3 sa Pasay City ng walang kaukulang permits.
“We coordinated with PAGCOR and verified that this company is unlicensed and has no authority to ope­rate,” ani Morente.

Dito na sinalakay ng mga tauhan ng BI nitong Lunes ang establisimiyento na hindi nakapagpakita ng mga legal na dokumento para mag-operate na isa sa rekisitos para mag-operate sa bansa.

Nasa 36 na dayuhan na kanilang inabutan sa establisimiyento ang kanilang inaresto. Nasa 32 sa kanila ay mga Koreano, dalawa ang Chinese at dalawa ang Indonesian.

Sinabi ni BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr. na ang kumpanya ay sangkot sa ilegal na “live studio gambling” kung saan ang mga operators nila at namamahala ay karamihan mga Koreano.
“Apart from the live studio, they were also conduc­ting illegal and clandestine online gaming operations,” ayon kay Manahan.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with