^
Higit 4K trabaho bilang contact tracers sa Metro Manila, alok ng DOLE
Sinabi ni Bureau of Wor­kers with Special Concerns head Ma. Karina Perida-Trayvilla na sasahod ng P537 kada araw sa loob ng tatlong buwan ang mga mapipiling contact tracers. Kumpleto ito ng mga ‘personal protective equipments (PPEs)’ para maging ligtas sila sa kanilang trabaho.
Boy Santos/File

Higit 4K trabaho bilang contact tracers sa Metro Manila, alok ng DOLE

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 20, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa 4,754 karagdagang posisyon bilang contact tracers sa Metro Manila ang binuksan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para mabigyan ng trabaho ang mga apektadong manggagawa ngayong pandemya.

Sinabi ni Bureau of Wor­kers with Special Concerns head Ma. Karina Perida-Trayvilla na sasahod ng P537 kada araw sa loob ng tatlong buwan ang mga mapipiling contact tracers.  Kumpleto ito ng mga ‘personal protective equipments (PPEs)’ para maging ligtas sila sa kanilang trabaho.

Ang mga interesadong aplikante ay dapat high school graduate, may relevant experience at marunong gumamit ng telepono, cellphone at internet.

Kailangan din nilang magpasa ng barangay certificate at medical certificate, at mas mainam kung residente sila ng lugar na pagtatalagahan sa kanila para hindi na sila kailangang bumiyahe at mas maraming kilala sa kanilang lugar.

Una nang inialok ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang programang TUPAD na nagbibigay ng hanapbuhay sa mga miyembro ng informal sectors ng isang buwan. Ngunit hiniling ng mga alkalde ng Metro Manila na gawing tatlong buwan ang trabaho para mas makatulong sa pamilya ng mga nawalan ng hanapbuhay. Mer Layson

 

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with